Gumugulong na ang imbestigasyon ng Department of Agriculture (DA) sa dahilan ng pagpalo ng presyo ng pulang sibuyas sa P720 kada kilo.
Inihayag ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na price manipulation at smuggling ang tinitingnan nilang anggulo sa pagsirit sa P720 ng presyo ng kada kilo ng sibuyas.
Posible anyang may nag-hohoard ng nasabing agricultural product na dahilan ng pagtaas ng presyo nito.
Ayon kay Evangelista, kailangan ng kooperasyon ng retailers upang matunton at mahuli ang onion traders na nagbebenta nang sobrang mahal.
Sa isyu naman ng smuggling, nakatatanggap umano si DA Assistant Secretary James Layug ng mga lead sa tulong ng Bureau of Customs.
NitongMiyerkules ay inirekomenda ng kagawaran na itaas sa P250 ang suggested retail price ng pulang sibuyas simula ngayong araw.