Pinangunahan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isinagawang price monitoring sa Guadalupe market.
Dahil ito sa patuloy na pagtaas ng presyo ng sibuyas at nanguna naman sina Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Alfredo Pascual at Senador Mark Villar kung saan unang pag-aaralan ang presyo ng sibuyas sa retailer at supplier.
Ayon kay Senador Villar, maganda ang plano ni Pangulong Marcos dahil ang kagawaran ay tutulong sa pag-monitor ng presyo.
Maliban dito nakikipag-ugnayan na rin ang DTI sa Department of Information and Communications Technology para sa national monitoring system upang matukoy ang sitwasyon ng suplay at demand ng mga produkto sa bansa. – sa panulat ni Jenn Patrolla