Pinaiimbestigahan na ni Senadora Cynthia Villar sa Deparment of Agriculture at Department of Trade and Industry ang sunud sunod na pagtaas ng presyo ng ilang bilihin at serbisyo.
Ito ay sa gitna pa rin ng ipinatutupad na Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law ng pamahalaan.
Sinabi ni Villar na dapat ay mabantayan at mapigilan ang di makatwirang dagdag sa presyo ng mga produkto laban sa mga mapanamantalang negosyante.
Giit pa ni Villar, hindi dapat patawan ng buwis ang mga produktong agrikultura sa ilalim ng bagong tax reform system matapos siyang makatanggap ng mga ulat na tumaas ang presyo ng bigas sa ilang lugar sa bansa.
(with report from cely ortega- bueno)