Target ng Department of Health (DOH) na mai-release sa susunod na linggo ang guidelines para sa price range na magbibigay kasiguruhang magiging abot kaya sa lahat ng mga pilipino ang presyo ng COVID-19 examination at ang COVID-19 test kits.
Ayon kay DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, isinasapinal na lamang nila ang price range guidelines matapos ang isinagawa nilang konsultasyon noong nakalipas na linggo sa mga laboratoryo, manufacturers at patients organizations.
Pahayag ni Vergeire, inipon nila ang lahat ng mga komento na kanilang nakuha at isinailalim ang mga ito sa pag-analisa ng mga eksperto.
Sa ngayon, mayroon na aniyang final draft ng joint administrative order ang DOH na kinakailangan na lamang ng lagda nina Trade Secretary Mon Lopez at Health Secretary Francisco Duque III upang mailabas na sa susunod na linggo.