Epektibo na simula ngayong araw, Nobyembre 30, ang itinakdang price range sa polyremase chain reaction test (RT-PCR) para sa COVID-19.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III alinsunod sa ipinalabas na joint department circular ng DOH at DTI.
Sa ilalim nito, nilagyan ng cap o limitasyon ang presyo ng RT-PCR test kung saan P3,800 lamang sa mga pasilidad na pag-aari ng pamahalaan.
Habang maaari namang maningil ng P4,500 hanggang P5,000 ang mga pribadong laboratoryo para sa bawat pcr test.
Nakapaloob na sa price range ang lahat ng gastusing may kinalaman sa pagsasagawa ng test, kabilang ang mabilis na pagpapalabas ng resulta at iba pang serbisyo.