Aarangkada na ngayong araw, November 30, ang panibagong bawas-singil sa presyo ng produktong petrolyo kasabay ng paggunita ng Bonifacio Day.
Ayon sa mga kumpaniya ng langis kabilang na ang Shell, Uni Oil, Petron, Phoenix, Gazz, Flying V at Clean Fuel, tinatayang nasa P1.10 hanggang P1.20 ang magiging rollback sa kada litro ng gasolina at P0.60 hanggang P0.70 naman ang bawas-presyo sa kada litro ng diesel, habang P0.50 hanggang P0.60 naman ang kada litro ng kerosene.
Ang rollback ay dahil sa paggalaw ng presyohan sa International Oil Market kung saan, ito na ang ika-4 na linggo na may pagbaba sa presyo ng produktong petrolyo. —sa panulat ni Angelica Doctolero