Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang buena manong rollback sa presyo ng kanilang mga produktong petrolyo ngayong Abril.
Epektibo ala 6:00 ng umaga, ipinatupad ng Jetti, Phoenix, Eastern Petroleum, Total, PTT Philippines, Seaoil, Petro Gazz at Shell ang trenta sentimos na tapyas sa kada litro ng diesel, diyes sentimos sa gasolina at bente sentimos sa kerosene.
Gayunman, nagpatupad ng price inrease sa kada kilo ng Liquefied Petroleum Gas o LPG ang mga nasabing kumpanya.
Piso at bente singko sentimos na dagdag ang inilarga ng Petron sa kada kilo ng LPG habang piso at katorse sentimos sa Solane.