Nagsorry sa publiko ang Finnish Prime Minister na si Sanna Marin matapos kumalat sa social media ang ilang mga topless photo ng ilan niyang mga bisita sa naganap na party sa kaniyang official residence.
Nabatid na nagkaroon ng alegasyon si Marin kung saan, masyado umano itong lulong sa party lifestyle.
Dahil dito, boluntaryong sumailalim sa drug test si Marin upang matuldukan ang mga espekulasyon na siya ay gumagamit ng illegal drugs kung saan lumalabas na siya ay negatibo sa paggamit ng iligal na droga.
Aminado naman si Marin na may mali sa kumalat na litrato pero kaniyang iginiit na walang extraordinary na nangyari sa kanilang get-together party dahil nag-sauna lamang sila at nag-swimming.