Nagpaabot ng pagbati kay Presumptive President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Prime Minister ng Japan na si Kishida Fumio.
Batay sa inilabas na ulat ng Japanese Embassy, sumulat si Fumio kay Marcos para ipakita ang intensyon nitong ipagpatuloy ang strategic partnership ng Pilipinas at Japan sa susunod na Administrasyon.
Si Marcos ay nananatili pa ring frontrunner sa presidential race na may higit 31M boto.
Una rito, pitong foreign leaders na ang bumati kay Marcos kabilang sina; Australian Prime Minister Scott Morrison, Chinese President Xi Jinping, Russian President Vladimir Putin, at United States President Joe Biden.