Nakaligtas mula sa pananambang si Palestinian Prime Minister Rami Hamdallah matapos na pasabugan ang kanyang convoy sa bahagi ng Gaza.
Habang anim sa kanyang mga security aides ang sugatan.
Ayon sa Palestinian authority, wala pang umaako sa insidente bagama’t kanilang tinitignan na posibleng gawa ang pagsabog ng rebeldeng grupong Hamas.
Gayunman, iginiit ng Hamas na posibleng tangka lamang ito para pigilan ang pagpapatupad ng unity agreement sa pagitan nila at ng isang paksyon sa Palestinian government kaugnay sa usapin sa Gaza.
—-