Pinagbabayad ng aabot sa 119,000 dolyar ng korte ang French gossip magazine na “Closer” sa mag-asawang sina Prince William at asawang si Duchess of Cambridge Kate Middleton.
Ito ay matapos maipanalo ng mag-asawa ang kasong invasion of privacy na kanilang isinampa laban sa naturang magazine matapos ipalabas ang topless photo ni Kate.
Bukod dito, pinababayad din ng tig-53,500 dollars ang dalawang executive officer ng Closer magazine.
Matatandaang, nag-ugat ang kaso matapos ilathala ng Closer magazine ang larawan ni Kate habang nagsa-sunbathing sa isang pivate villa sa France noong 2012.
By Krista de Dios