Hinatulan ng kamatayan ang isang Islamic Boarding School Principal matapos ireklamo ng panggagahasa sa 13 estudyante sa loob ng limang taon sa Indonesia.
Kasunod ito ng paghatol ng tatlong hukom kay Herry Wirawan na unang sinentensiyahan ng habambuhay na pagkakakulong bago inihain ang death penalty sa Bandung District Court.
Base sa report, umabot sa siyam na sanggol ang isinilang matapos ang ginawang pambababoy ng naturang principal sa mga estudyanteng biktima na may edad 11 hanggang 14.
Napag-alaman din na ang mga biktima ay takot na magsumbong dahil mula umano ang mga ito sa mahirap na pamilya at nakakapag-aral lang sa pamamagitan ng scholarship.
Sa ngayon, sinubasta na ang lahat ng ari-arian ni Wirawan kabilang na dito ang foundation na kaniyang pag-aari upang matulungan ang mga biktima base narin sa ipinatupad na batas sa nasabing bansa.
Inilagay narin ang labing tatlong estudyante sa Children and Women Protection Agency upang isinailalim at ituro ang tamang pag-aalaga sa kanilang mga anak. — sa panulat ni Angelica Doctolero