Nakatakdang bumisita dito sa Pilipinas si Albert II, ang Sovereign Prince ng bansang Monaco mula Abril 6 hanggang 7.
Ayon kay Presidential Communications Group Secretary Sonny Coloma, kasama si Prince Albert II sa wreath laying ceremony sa Luneta Park bago ito didiretso sa Malacañang para sa bilateral talks kay Pangulong Benigno Aquino III sa Abril 7.
Inaasahang pag-uusapan ng dalawang lider ang bilateral issues patungkol sa economic cooperation, humanitarian assistance, sustainable development at environmental protection.
Kilala si Prince Albert sa kanyang adbokasiya sa pagpapatatag sa marine environmental protection.
Inaasahang bibisita ito sa Palawan at Tubbataha Reefs National Park na isang UNESCO World Heritage Site.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)