Patay sa helicopter crash ang prinsipe ng Saudi Arabia.
Inanunsyo ng news channel na Al-Ekhbariya ang pagkamatay ni Prince Mansour Bin Moqren, Deputy Governor ng Asir Province.
Ayon sa report, ilang opisyal din ang sakay ng nasabing helicopter na hindi naman tinukoy ang dahilan nang pagbagsak ng helicopter.
Una nang na intercept at sinira ng Saudi Arabia ang ballistic missile malapit sa international airport sa Riyadh na ibinato mula sa Yemen, dahilan nang pagtaas pa ng tensyon sa kampanya laban sa Huthi rebels na suportado ng Iran.
—-