Nananatili ang kumpiyansa ng COMELEC na matatapos ang pag-iimprenta ng mga balota bago pa man ang April 25 deadline.
Sa twitter post ni COMELEC Commissioner Rowena Guanzon, nakasaad dito na posibleng sa unang linggo ng Abril ay matapos na ang pag-iimprenta ng lahat ng mga balota.
Habang ang pagbi-verify naman sa mga nasabing balota ay posible namang matapos sa pagitan ng April 20 hanggang 25.
Sa pinakahuling tala ng COMELEC, pumapalo na sa halos 23 milyong balota ang kanilang naiimprenta o katumbas ng halos 41 porsyento ng kabuuang kinakailangan.
Habang ang mga na-verify na mga balota ay nasa halos 13 milyon.
Una nang nakumpleto ang mga balotang gagamitin sa overseas absentee voting, habang 87 percent naman ang natapos para naman sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
By Meann Tanbio | Allan Francisco
Photo Credit: mb.com.ph