Kailangan nang magkaroon ng alternatibo sa printed materials.
Ayon ito kay Education Secretary Leonor Briones matapos amining hindi na kakayanin ng Pilipinas na dumepende sa paggamit ng printed self-learning modules.
Ipinabatid ni Briones na marami at milyong pisong halaga ng printed learning modules ang nasira na ng kalamidad tulad nang nangyari sa Marikina City matapos manalasa ang Bagyong Ulysses.
Una nang inihayag ng Department of Education na kailangan nito ng P1.2-bilyong pondo para palitan ang mga nabasang modules dulot ng magkakasunod na bagyo noong Nobyembre.