Timbog ang isang printing shop owner na namemeke ng vaccination cards sa inilunsad na entrapment operation ng pulisya sa Isabela City, Basilan.
Kinilala ni Isabela City Police Chief, Lt. Col. Julpikar Sitin ang suspek na si Ahamad Jamal Astian, 37 anyos, residente ng barangay Tabuk na naaresto sa kanyang shop.
Inilunsad ang operasyon makaraang makatanggap ng reklamo mula sa Rural Health Unit ng bayan ng Maluso hinggil sa iligal na aktibidad ni Astian.
Karamihan anya sa mga kliyente ng suspek ay mula sa Lamitan City at Maluso.
Nahaharap na si Astian sa kasong Falsification of Public Documents. —sa panulat ni Drew Nacino