Maaari nang pumila sa priority lane ang Overseas Filipino Workers (OFW’s) sa pagre-renew ng passport.
Nangangahulugan ito ayon kay Foreign Affairs Assistant Secretary Frank Cimafranca ng Office of Consular Affairs na hindi na kailangan kumuha pa ng appointment schedule ng mga OFW.
Dagdag pa ni Cimafranca, maaari na itong mag–aplay bilang walk-in sa priority lane sa tanggapan ng DFA Aseana o regional consular satellite offices.
Maliban sa mga OFW, kabilang sa mga maaaring pumila sa priority lane ang senior citizens, persons with disabilities, minors at single parents.