Opisyal nang idineklara ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang presensya ng northeast monson o amihan.
Ayon sa PAGASA, mararamdaman na ang malamig na simoy ng hangin sa buong bansa .
Gayunman, sinabi ng PAGASA na mararanasan pa rin ang epekto ng El Niño phenomenon kaya’t magiging mainit pa rin ang ilang mga araw.
Ang malamig na panahon dulot ng amihan ay tatagal hanggang sa Pebrero o Marso ng susunod na taon
By Judith Larino