Hindi maikakailang nakakatakot ang mga ahas, lalo na ‘yung mga makamandag katulad ng rattlesnake.
Pero alam mo bang sa Amerika, partikular na sa Southern United States, piniprito at kinakain ito?
Ito ang tinatawag nilang Southern fried rattlesnake.
Valuable food source para sa indigenous peoples at early settlers sa Texas at sa ilang Southwest states ang rattlesnakes.
Dahil na rin sa kakulangan ng ibang mapagkukunan ng pagkain, isinali nila ang rattlesnakes sa kanilang diet. Bukod sa madali itong mahuli, mayaman ito sa protina.
Sa ganitong paaran, nakokontrol din ang populasyon ng mga makamandag na ahas.
Sa paghahanda naman ng Southern fried rattlesnake, kailangan munang balatan ang ahas. Huhugasan nang mabuti ang karne nito, saka ilalagay sa isang mixture ng itlog at gatas at seasoned flour. Pagkatapos, pwede na itong i-deepfry.
Kung titignan, mukhang fried chicken ang lutong rattlesnake. Lasa rin itong manok, kaya kung hindi sasabihin, hindi mo mamamalayang ahas na pala ang kinakain mo!