Nakiusap ang pamilya ng Pinay na Overseas Filipino Worker (OFW) na pinatay sa Hongkong na huwag na isapubliko ang pangalan ng nasawing kaanak na namataang lulutang-lutang ang bangkay sa pier ng Hongkong kamakailan.
Ito ang kinumpirma ni Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Paul Raymond Cortez, dahilan kung bakit pinili ng ahensya na huwag ilabas ang pangalan ng Pinay at maging ng employer nito.
Kasabay nito tiniyak ng kagawaran ang patuloy na isinasagawang imbestigasyon ng Hongkong police at ang pangako ng employer ng OFW na tutulong sa gastos upang maiuwi ang labi ng Pinay pati ang naiwang sweldo nito.