Presensya ng mga private armed groups (PAG’s).
Ito ayon sa Philippine National Police (PNP) ang malaking banta sa 2016 elections dahil ginagamit ng ilang pulitiko ang armed groups para i-harass ang kanilang mga kalaban sa pulitika.
Sinabi ni PNP Chief Director General Ricardo Marquez na pinag-aaralan na nila ang mga hakbangin para tuluyang mabuwag ang private armed groups.
Lumalabas sa record ng PNP na 76 na private armed groups ang natukoy at 69 dito ay mula sa Mindanao.
Tiniyak ni Marquez ang tulong ng AFP para labanan ang private armed groups.
By Judith Larino