Bubuksan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang Pilipinas para mga pribadong kmpanya na makapagbibigay ng magandang serbisyo sa kominikasyon.
Itoy makaraang ibulalas ng Pangulo ang kaniyang pagka inis dahil sa ilang mga naghaharing kumpanya sa bansa na sobrang magpahirap sa mga Pilipino.
Batid ng Pangulo ang paghihirap na ito kayat nais nyang dagdagan ang kompetisyon upang bukod sa mapababa ang presyo ay marami ring pagpipilian ang publiko at mapipilitang magpaganda ng serbisyo ang mga umiiral na kumpanya.
Samatala, pabiro pang sinabi ng Pangulo na idaragdag niya sa mga polisiya ang malayang pagpapapasok sa mga magagandang babae sa Pilipinas kung saan, gagawin niya itong Visa free dahil sa nakapagpapalamig aniya ang mga ito ng ulo.
By: Jaymark Dagala