Maaari nang bumili ng bakuna kontra COVID-19 ang lahat ng pribado kumpanya para sa kanilang mga empleyado.
Ito ang inihayag ng malakaniyang matapos maamyendahan ang implementing rules and regulations ng COVID-19 vaccination law Republic Act 11525.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, pwede nang bumili ng bakuna ang lahat ng pribadong kumpanya maging ang mga cigarette companies.
Ngunit paglilinaw ni Roque na kailangan pa rin itong dumaan sa tripartite agreement kung saan kasama pa rin sa negosasyon at kasunduan ang gobyerno.
Paliwanag ni Roque, wala pa kasing commercial use authorization para sa mga bakuna kontra COVID-19 dahil lahat ng ito ay mga bago pa at sumasailalim sa mga clinical trials.
Una rito, ilang mambabatas ang nagsusulong na hadlangan ang mga pribadong kumpanya na ang negosyo ay sigarilyo, alak, softdrinks o soda, infant milk formula na pigilang makabili ng sariling bakuna para sa kanilang mga empleyado.