Pupulungin ng Department of Health (DOH) ang mga operator ng private hospital upang paalalahanan ang mga ito laban sa mga posibleng pagkalat ng Middle East Respiratory Syndrome-Corona Virus o MERS-CoV mula South Korea.
Ayon kay Dr. Vito Roque, DOH Officer-in-Charge ng Epidemiology Bureau, nakahanda na ang mga ospital sa bansa at kailangan lamang abisuhan kaya’t magpapatawag ng pulong si Secretary Janette Garin sa loob ng linggong ito.
Matagal na anyang mag-partner ang DOH at private hospitals lalo’t nagkaroon ng tatlong kaso ng MERS-CoV sa bansa, noong isang taon.
Bandang huli pinayuhan din ni Roque ang publiko na maging maingat, palakasin ang resistensya at panatilihing malinis ang katawan at kapaligiran upang maka-iwas sa anumang uri ng sakit.
By Drew Nacino