Hinikayat ng Private Hospitals Association Of The Philippines (PHAPI) ang mga miyembro nito na ipagdiwang ang ‘Philhealth Holiday’upang suportahan ang mga ospital na nagpoprotesta sa mga hindi nabayarang claim sa unang bahagi ng Enero 2022.
Ayon kay PHAPI President Doctor Jose Rene De Grano, hinimok niya ang mga miyembro nito na huwag tumanggap ng mga bawas sa philhealth para sa mga serbisyong pangkalusugan mula January 1 hanggang January 5.
Matatandaang lumobo ang PHILHEALTH claims sa panahon ng pandemya dahil sakop nito ang pagpapaospital ng mga pasyenteng may Covid-19. — sa panunulat ni Airiam Sancho