Nakahanda na ang mga miyembro ng Private Hospitals Association of the Philippines Incorporated (PHAPI) sa posibleng pagdami ng na-a-admit na covid-19 patients, partikular ang mga severe at critical ngayong buwan.
Ayon kay PHAPI President Dr. Jose Rene de Grano, ang tangi nilang limitasyon ay ang posibilidad ng kakulangan ng mga healthcare worker.
Batay sa datos ng OCTA Research Group, pitong lalawigan na ang may mahigit 10% positivity rate at patuloy na tumataas sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Ito ay ang mga probinsya ng Antique, 20.6%; Laguna, 17.3%; Rizal, 16.5%; Pampanga, 17.3%; Cavite, 13.2%; Batangas, 10.7% at Iloilo, 10.1%.
Sa National Capital Region, lumundag sa 9.8% ang positivity rate noong Martes, Hulyo a – 5 kumpara sa 8.3% noong Hulyo a – 2.