Hindi pa handa ang mga pribadong ospital sa Pilipinas sa posibleng outbreak ng Middle East Respiratory Syndrome o MERS virus sa bansa.
Ito ang inamin ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP).
Ayon kay PHAP President Rustico Jimenez, posibleng hindi kayanin ng mga pribadong ospital na mapigilan ang pagkalat ng MERS virus sakaling pumasok ito sa bansa.
Binigyang diin ni Jimenez na iilan lamang ang may kaalaman para ma-kontrol ang naturang nakamamatay na sakit.
Dagdag pa ni Jimenez, mahihirapan din ang mga kinauukulan sa pagbabantay dahil sa dami aniya ng entry points sa bansa.
Sa ngayon, nananatili pa namang MERS-free ang Pilipinas.
By Ralph Obina
Photo from: sunstar.com.ph