Sugatan ang dalawang dayuhan na lulan ng isang ‘private plane’ makaraan itong mag-landing sa dagat ng San Vicente sa Palawan.
Kinilala ang mga ito na sina Muniandy Harihalan, piloto ng eroplano at isang Malaysian national at ang pasahero nitong British national na si Max Edward Harvey.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP, patungo sana ang private plane sa Sangley Point sa Cavite City mula sa Palawan nang makaranas ito ng ‘engine failure’ sa pag-ti-“take off”.
Nabatid na mayroong kargang mga buhay na isda ang nasabing eroplano.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng CAAP sa posibleng dahilan ng naranasang problema sa makina ng eroplano.
—-