Umapela ng tulong sa gobyerno ang grupo ng mga pribadong paaralan para sa gastusin sa pagbabalik ng face-to-face classes.
Ayon kay Atty. Joseph Noel Estrada, managing director ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (COCOPEA), kailangan ng “economic intervention” sa pagbabalik ng face-to-face classes kasabay ng pag-iral ng distance learning.
Ani Estrada, kung hahayaan lang ang private school na gagastos, tiyak na maipapasa ito sa mga estudyante.
Kaya aniya kahit hindi mismo sa private school makarating ang tulong kundi sa mga mag-aaral para maibsan o mabawasan ang bigat ng gastusin.
Magugunitang noong Martes ay pinagtibay ng senado ang resolution na nagrerekomenda para magsagawa ng face-to-face pilot classes sa isang libong paaralan sa mga lugar na zero coronavirus disease 2019 (COVID-19) cases sa huling 30 araw.