Handa na ang mga pribadong paaralan na magsagawa ng online classes hanggang sa susunod na school year.
Ayon kay Eleazardo Kasilag, Federation of Associations of Private Schools Administrators, ito’y dahil sa inaasahang pagpapatuloy ng banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa.
Ani Kasilag, ang mahalaga ay maipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral gamit ng teknolohiya.
Bahagi rin aniya ng kanilang paghahanda na tiyaking trained ang mga guro pagdating sa pagsasagawa ng online classes.
Maaari umanong i-supervise ng magulang ang kanilang anak habang nasa online class at magkakaroon naman ng physical classes o pasok sa paaralan kung mayroong exam o mga subjects na kinakailangang gamitan ng laboratoryo.
Samantala, ang mga estudyante naman umano na grade 1 hanggang grade 3 ay kinakailangan gabayan ng kanilang mga magulang sa paggamit ng gadgets para sa kanilang pag-aaral.