Isang simple at pribadong wedding ang hiling nina Vicki Belo at Hayden Kho.
Ayon sa ulat, walang naganap na grand announcement para sa kasalang Belo at Kho kung saan sa pamamagitan lang ng isang simpleng text message ipinabatid ng celebrity doctors sa kanilang malalapit na kaibigan na magaganap ang kasalan sa Paris.
Sa isang interview sinabi ni Vicki na wala sa plano nila ang pagbibigay ng maraming detalye ukol sa magaganap na private wedding.
Aniya sa ngayon ay supper happy siya na sa wakas ay matutuloy na sa altar ang 11 taon nilang relasyon ni Hayden.
Matatandaang unang na-engaged ang dalawa noong 2011 ngunit hindi natuloy ang kasalan dahil sa kontrobersyal na sex video scandal ni Hayden.
Muling nagkabalikan ang dalawa noong 2013 at ngayo’y may 2 taong gulang na anak na si Scarlet Snow, na ipinanganak sa pamamagitan ng in-vitro fertilization. —AR
*Photo: Screengrab from dochayden/ Instagram