Iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na ipaubaya na lamang sa pribadong sektor ang pangangasiwa sa operasyon ng mga gaming activities ng Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO.
Ayon kay Gatchalian, mas magiging madali para sa gobyerno kung tanging monitoring, supervision at collection na lamang ang tututukan nito.
Habang ang buong operasyon naman ay pamamahalaan ng pribadong sektor.
Maaari na lamang aniyang pagkasunduan ng hahawak na private sector at gobyerno kung magkano ang ireremit na kita mula sa operasyon nito.
Sinabi ni Gatchalian na dalawa ang nakikita niyang opsyon na maaaring gawin ng gobyerno sa PCSO.
Ito aniya ay ang amyendahan ang charter ng ahensya o ang limitahan ang responsibilidad ng PCSO.