Iginiit ng NUPL o National Union of People’s Lawyers na kahit nagdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng Martial law sa Mindanao, hindi otomatikong masususpindi ang Privilege of the Writ of Habeas Corpus.
Ayon sa NUPL, ang pag-iral ng Martial Law ay hindi magsususpindi sa pag-iral ng konstitusyon.
Ang batas militar ay hindi rin anila pumapalit sa panunungkulan ng mga hukumang sibil o legislative body.
Hindi rin maaaring ibigay sa military court ang hurisdiksyon sa mga sibilyan kung nakagaganap naman ng tungkulin ang mga hukumang sibil.
Hindi rin kusang masususpindi ang privilege of the Writ of Habeas Corpus kung saan maaaring kwestyunin ng isang mamamayan ang legal na batayan ng pag-aresto sa kanya at hilingin ang agaran niyang paglaya.
By: Meann Tanbio / Bert Mozo
Privilege of the Writ of Habeas Corpus hindi masusunpindi – NUPL was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882