Suportado ng SM Foundation Incorporated ang pro-active healthcare.
Kaya naman malaking bagay ayon sa SMFI ang mga ikinakasa nilang medical missions bilang tulong sa mga pilipino na magkaruon ng maayos na kalusugan.
Katuwang ang Philippine Movie Press Club sa ikalawang pagkakataon nagsagawa ang SM Group ng medical at dental mission sa SM City Sta. Mesa kung saan nagsilbi ang volunteer doctors na sina Dr Judy Gargantiel at Dr Emil Arleen Morales.
Isa sa nakinabang sa nasabing medical at dental mission ng SM Group at PMPC ang mga matatanda, mga bata at mga empleyado tulad ni Carmela Yangao na sumailalim sa check up sa kanyang nananakit na balakang, cholesterol at maging sa kanyang uric acid level.
Hindi rin nagpahuli sa pag-avail ng health services ng SM Group at PMPC sina Evangeline Piezas na nagpa-check sa kanyang chest pain at kanyang limang buwang buntis na pamangkin na si Geralden Cuizon na nakakuha naman ng vitamins.
Kabilang din sa mga nakinabang at nagpapasalamat sa nasabing medical mission ang mga estudyante, kanilang mga magulang at mga guro ng St. francis Integrated Arts School.
Tiniyak ng SMFI ang commitment sa pagkakaruon ng malusog at produktibong mamamayan na magagawa sa pamamagitan ng medical, dental at diagnostice missions katuwang ang program partners nilang Manila Medical Society, Dmirie Foundation Incorporated, Philippine Red Cross Quezon City Chapter, Pan Pharmaceutical, Willore Pharma at DWIZ 882.