Dedesisyunan ng International Boxing Association o AIBA kung papayagan o hindi ang mga Professional Boxer na lumahok sa RIO Olympics sa Brazil sa Agosto.
Sasagutin din ng AIBA ang mga tanong hinggil sa Dope Testing policies sa ilalaraga nilang pulong bago ang International Olympic Committee Executive Meeting sa Lausanne, Switzerland.
Bagaman malabo sa RIO Olympics na lumahok ang mga pro-boxer, posible naman itong maganap sa 2020 Tokyo Olympics.
Aminado ang AIBA na masyado ng gahol sa oras upang makibahagi ang mga Pro-boxer sa RIO Games subalit maituturing na Evolution ng boxing kung papayagan ang mga ito na lumahok sa pinaka-prestihiyosong sports event.
Magugunitang umatras si 8 Division World Champion Manny Pacquiao sa paglahok sa RIO Olympics dahil mas prayoridad niya ang pagtatrabaho bilang bagong halal na senador.
By: Drew Nacino