Bumaba na sa pwesto ang mga pro-democracy lawmakers sa Hongkong.
Ito ang naging tugon ng mga mambabatas sa hakbang ng mainland China na tanggalin ang 4 nilang mga kasamahan.
Mababatid na nagpasa kasi ang China ng isang resolusyon para tanggalin ang mga mambabatas o sinumang opisyal na umano’y banta sa pambansang seguridad nito.
Para sa mga eksperto, isa itong panggigipit sa kanilang kalayaan.
Pero dipensa ng China, hindi ito panggigipit at sa halip isang itong proteksyon sa bawat isa nilang mamamayan.
Nauna rito, naipasa sa mainland China ang national security law na layong higpitan ang kalayaan ng Hongkong na kanilang ‘administrative region.’