Sunod-sunod na direktibang pabor sa Pilipinong magsasaka ang ibinaba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pamumuno bilang Secretary of Agriculture.
As of October 2022, umaabot sa 67,255.46 kilometro ng Farm-to-Market Roads na ang natapos ng DA at iba pang ahensya. Ito ay 51 percent ng target na 131,410.66 kilometro na farm-to-market road o FMR.
Dagdag pa nito, pinaboran pa ni Pangulong Marcos Jr. ang mga Pilipinong magsasaka nang ibasura niya ang kahilingan ng kanyang economic team na ibaba ang buwis ng imported na bigas.
Iginiit ng Pangulo na prayoridad ng pamahalaan ang pagtulong sa mga magsasaka ngayong panahon ng pag-ani kaysa importer ng bigas.
Pinag-aaralan na rin ni Pangulong Marcos ang pagkontrol sa pangingisda para maiwasan ang overfishing. Tiniyak din ng Pangulo na hindi fishing ban ang ipapatupad ng kanyang administrasyon bilang pagtugon sa kahilingan ng mga mangingisda.
Ayon sa Pangulo, hindi pa niya bibitawan ang pangangasiwa sa Department of Agriculture sapagkat marami pang dapat ayusin sa sistema ng ahensya.
sinisikap aniya nitong maitatag ang mga emergency measures upang mabigyan ng tulong at suporta ang mga magsasaka.