Pagbobotohan ng House Committee on Justice susunod na linggo kung may probable cause ang impeachment complaint laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Oriental Mindoro Representative Reynaldo Umali, Chairman ng nasabing komite , mabibigyan ng sapat na panahon ang mga mambabatas para pag – aralan ang reklamo at alamin ang kanilang magiging boto.
Kahapon , tinapos na ang deliberasyon ng komite matapos ang 15 pagdinig sa impeachment complaint na isinampa ni Atty. Larry Gadon laban sa punong mahistrado.
Kabilang sa mga reklamo kay Sereno ay ang ‘culpable violation of the constitution , corruption , betrayal of public trust at iba pang high crimes.
RPE