Isinailalim na sa state of calamity ang buong Antique Province kasunod ng kalamidad na puminsala ng halagang 9 milyong piso sa sektor ng agrikultura.
Bunga ng nabanggit na deklarasyon, mabilis na magagamit ng pamahalaang panlalawigan ang kanilang quick-response fund.
Ayon kay Vice Governor Edgar Denosta, prayoridad nilang pagkalooban ng tulong ang mga residente na nawalan ng mga pananim at ari-arian.
Matatandaang una nang inilagay sa state of calamity ang mga bayan ng Barbaza, Hamtic at San Jose sa nasabi pa ring lalawigan.