Isinailalim na sa State of Calamity ang probinsya ng Antique dahil sa mataas na kaso ng nakamamatay na viral infection na dengue.
Batay sa inilabas na resolusyon ng provincial board, inilagay sa State of Calamity ang 18 munisipalidad.
Sinabi ni board member Pio Jessielito Sumande Sr. matapos nilang aprubahan ang nasabing resolusyon ay nilagdaan na rin ito ni Antique Governor Rhodora J. Cadiao.
Ayon kay Antique Integrated Provincial Health Officer (IPHO) Dr. Ric Noel Naciongayo, nakapagtala ng kabuuang 1,575 kaso ng dengue mula Enero hanggang Hulyo 9 kabilang ang anim na namatay.
Aniya halos 556% na mas mataas kaysa noong nakaraang taon na 241 na mga pasyente kabilang ang dalawang nasawi.
Karamihan sa mga pasyente ay mula sa limang bayan ng San Jose De Buenavista, Sibalom, Hamtic, Bugasong, at Anini-y.
Sinabi naman ni Cadiao na kukuha ng kaukulang budget mula sa natitirang Quick Response Fund (QRF) para sa dengue prevention at response programs.
Sa ngayon sinisikap ng IPHO na mabigyan ang lahat ng local government unit ng mga kagamitan para mapigilan ang pagkalat ng dengue