Niyanig ng magnitude 4 na lindol ang probinsiya ng Aurora dakong alas syete kagabi.
Natunton ng sentro ng pagyanig 7 kilometers, pa-Timog-Kanluran sa bayan ng Dilasag sa Aurora.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na 033 kilometers.
Naramdaman din ang pagyanig sa intensity 4 sa Maddela, Quirino.
Naitala rin ng mga instrumento ng Phivolcs ang pagyanig sa intensity 2 sa Santiago, Isabela at intensity 1 sa Baler, Aurora.
Ayon sa Phivolcs, ang tectonic na pinagmulan ng lindol ay sanhi ng paggalaw ng isang aktibong fault line malapit sa lugar.
Gayunpaman, walang naitala ang Phivolcs ng anumang pinsala sa ari-arian o aftershocks dahil sa nasabing lindol.—sa panulat ni Kim Gomez