Idineklarang drug free ng PDEA o Philippine Drug Enforcement Agency ang Batanes.
Ito’y matapos maabot ng Batanes ang mga kwalipikasyon na itinakda ng Dangerous DRUGS board sa ilalim ng Section 8 ng DDB Board Regulation no. 3 Series of 2017, o ang “strengthening the implementation of the barangay drug clearing program”.
Iginawad kahapon ni PDEA Director General Isidro Lapeña ang sertipikasyon kay Batanes Governor Marilou Cayco at sa Provincial PNP Director nito na si S/Supt. Agustin Tamangen sa isang simpleng seremonya sa HRTC hall ng provincial capitol sa Basco, Batanes.
Ang Batanes ay binubuo ng anim na munisipalidad kabilang ang Basco, Sabtang, Uyugan, Ivana, Itbayat at Mahatao at 29 na barangay na lahat ay idineklarang “drug-cleared” ng mga chiefs of police nito at pinagtibay ng mga alkalde na tumatayo ding chairman ng municipal anti-drug abuse councils noong Disyembre 29, 2016.
By: Meann Tanbio