‘Back-to-zero’
Ito ang tugon ni Catanduanes Governo Joseph Cua makaraang muling hagupitin ng bagyong Ulysses ang kanilang probinsya, gayong nauna na itong pinadapa ng super typhoon Rolly.
Paliwanag ni Cua, matapos manalasa ang super typhoon Rolly, kahit papaano’y may naisalba pang kagamitan ang mga residente ng probinsya at nagtayo ng kani-kanilang mga temporary shelter.
Pero nang manalasa ang bagyong Ulysses, wala itong pinatawad, maging ang mga tinayong temporary shelter ng mga residente, ay siya rin itong pinadapa ng bagyo.
Kung kaya’t ani Cua, nangangailangan sila ng tulong mula sa pamahalaan.
Mababatid na aabot sa 55 mga landslides ang naitala ng probinsya sa gitna ng pananalasa ng bagyo.