Muling isasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang probinsya ng Ifugao simula sa Mayo 1 hanggang 14 ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.
Ito ay kasunod ng panawagan ng lokal na mga opisyal ng probinsya .
Samantala, isinailalim naman sa General Community Quarantine (GCQ) mula sa Modified General Community Quarantine (MGCQ) ang Puerto Princesa Palawan.
Matatandaang bukod sa Ifugao nasa ilalim rin ng MECQ ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, City of Santiago sa Isabela, Abra at Quirino.