Tinatayang nasa P10-bilyon na ang nawawala sa kita ng probinsya ng Iloilo mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine (ECQ) kontra coronavirus disease 2019.
Ayon sa Provincial Tourism Office (PTO), nasa higit P1-bilyong tourism receipt ang hindi kinita ng probinsya dahil sa pagtamlay at kinalaunay nawalang turismo ng probinsya mula noong Marso hanggang nitong buwan ng Abril.
Gayundin ang sektor ng negosyo sa probinsya, ayon sa Local Economic Development and Investment Promotion (LEDIP) center, hindi rin kumita ang sektor sa tinatayang P4.8-bilyon bunsod pa rin ng pagsasara ng ilang negosyo dahil sa ECQ.
Bukod sa mga ito, umaaray na rin sa epekto ng krisis ang iba pang sektor sa probinsya ng iloilo tulad ng sektor ng agrikultura; transportasyon; at paggawa.
Samantala, umaasa naman ang pamunuan ng Iloilo na agad na matatapos ang pinagdaraanang krisis at muling sisigla ang ekonomiya ng probinsya.