Naitala ang walong kaso ng COVID-19 delta variant sa lalawigan ng Quezon.
Ayon kay Quezon Gov. Danilo Suarez, apat na kaso ng delta variant ang naitala sa bayan ng Dolores, kung saan tatlo sa mga ito ay gumaling na.
Habang ang ibang kaso naman ng delta variant ay natukoy sa Sariaya, Tiaong, at Real.
Sa ngayon nasa 1,262 ang aktibong kaso ng lalawigan ng Quezon at umabot na sa 18,321 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19.—sa panulat ni Hyacinth Ludivico