Nagdesisyon ang lokal na pamahalaan ng Sulu na ‘di muna ito tatanggap ng mga Pilipinong uuwi mula sa Sabah, Malaysia patungo sa probinsya simula Disyembre 27 bilang pag-iingat sa panganib na dala ng bagong variant ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Kaugnay nito, humingi ng tulong si Sulu Governor Abdusakur Tan kay COVID-19 National Task Force chief implementer Secretary Carlito Galvez at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) matapos matanggap ang balita ng kontaminasyon sa Sabah mula sa Ministry of Health.
Aniya agaran namang tumugon ang IATF sa panawagang tulong ng pamahalaan ng Sulu at patuloy umano itong magbabantay.—sa panulat ni Agustina Nolasco