Binatikos ni ang Probinsyano Partylist Representative Ronnie Ong ang mga opisyal ng Smart-PLDT dahil sa pagkuha ng mga dayuhan para maging endorser nito.
Binigyang-diin ni Ong na nakakadismaya ang aniya’y pagiging bias ni Telco Chairman Manuel Pangilinan at presidente nitong si Al Panlilio na kapwa walang respeto sa daan-daang Pinoy artists na gumagamit ng kanilang serbisyo, subalit hindi man lang bigyan ng pagkakataon para mag-endorso.
Ayon kay Ong, nagbayad ang naturang Telco ng $10-M sa BTS group ng South Korea para sa kanilang commercial noong isang taon bukod sa iba pang korean artists na kinuha rin para maging endorser.
Dahil dito, isinulong ni Ong, miyembro ng House Committee on Creative Industry and Performing Arts ang panukalang Filipino first policy para tulungan ang local industry na makabangon sa gitna ng pandemya.