Pagbobotohan ngayong araw ng Consultative Committee En Banc ang tatlong mahahalagang probisyon kaugnay ng political dynasties sa bansa.
Sa isang pahayag, sinabi ng Consultative Committee na kanilang pagbobotohan ang ilang self-executing constitutional provisions sa Saligang Batas para sa tuluyang pagpigil sa political dynasties.
Kabilang anila dito ang probisyon na tumatalakay sa pagbabawal sa hanggang 2nd degree na kaanak ng isang opisyal na tumakbo sa anumang puwesto sa pamahalaan.
Tatalakayin din ang lawak ng saklaw ng ban sa mga kasalukuyang naka-upo at tatakbong mga magkakaanak na opisyal ng pamahalaan mula sa national hanggang barangay level positions.
Gayundin, kung papayagan ang isang second degree relative na tumakbo para maging kapalit sa posisyon na mababakante ng nagtapos nang termino na opisyal.
Ang Consultative Committee ay binuo noong Enero para pag-aralan ang kasalukuyang Saligang Batas at maghain ng mga panukala kaugnay sa pag-amyenda nito.
—-